May is Tita Belle's natal month at syempre, tulad ng nakasanayan, may munting salo-salo para sa kanyang kaarawan, pero dahil medyo nahuli kami ng dating, di ko na nakuhanan ng magandang litrato ang mga putaheng inihanda ng kanyang pamilya, ang siste pa nga, di ko na rin inabutan iyong ibang putahe, hahaha.
Pinagsaluhan namin ang Pancit Luglog mula sa Pancit Malabon Express, Puto na may Itlog na Maalat, Spaghetti (na wala sa larawan) Yang Chow Fried Rice (Mike's version), Sweet & Sour Pork, Lumpiang Shanghai (na muntik ko nang di abutan), Piritong Manok (na hindi na talaga namin inabutan pero napatunayan ko na mayroon dahil nakita ko sa plato ng mga naunang bisita), Mocha Cake mula sa Betsy's at Coffee Jelly (na si nanay na lang ang nakatikim).
Nasiyahan naman kami dahil masarap lahat ng handa na inabutan ko at hindi ako nagre-reklamo na hindi ko natikman ang lahat, pero sana lang talaga nagtira yung mga nauna, hahaha...
|
Pancit Malabon
|
|
Puto topped with Salted Egg |
|
Yang Chow Fried Rice |
|
Sweet & Sour Pork |
|
Lumpiang Shanghai |
|
Fried Chicken Serving Dish (hahaha!) |
|
Mocha Rolls |
|
Nanay and the birthday celebrant |
Belated Happy Birthday Tita, may you have lots and lots more to come! We love you!
No comments:
Post a Comment
You know I love you right, so do your part, show mama some lovin'...