Kapag pyesta dito sa amin, malamang sa hindi makikita mo ako sa bisperas or gabi ng mismong piyesta na naglilibot at nangbabarat ng mga paninda, hehe. Madalas ang target ko sa pamimili mga gamit na byahe mula sa probinsya, or yung mga tipong di madalas makikita sa mall, mga murang laruan at gamit sa bahay na mga napaglipasan na ng panahon, mga lumang stock kumbaga kaya phased out na pero sa mga taong tulad ko na mahilig sa kung anik-anik, bongga ang mga yun, at higit sa lahat sa mga tindahan ng pagkain na specialty ng mga karatig na lugar.
Hindi masyadong magarbo ang pista dito sa amin ngayong taon, di kasing-dami ng mga nakakaraang taon ang bumiyahe para magnegosyo, karaniwan kong nakita ay mga food stalls ng lugaw, tokwa at mami, mga food kart na usong-uso ngayon na nagbebenta ng siomai, scramble, shawarma, fishballs at iba pang balls, etc. mangilan-ngilan lang ang nagtinda ng mga galing sa ibang probinsya, di ko nga nakita ang mga suki ko (taon-taon) na galing pa ng Baguio, Pampanga, Pangasinan at Antipolo. Bakit kaya? Di siguro nakakuha ng pwesto o kaya naman, nahirapan siguro mangapital, hay sayang, yun pa naman ang isa sa pinaka-aabangan ko tuwing pista/pyesta.
Ang anim na piraso (trayanggulo) ng kalamay Batangas ay nagkakahalaga ng isang daang piso tapos may pasunod lang na isang piraso, kami ang hiningi namin dagdag iyong puting kalamay. Samantalang ang kalamay Lucena ay nagkakahalaga naman ng 100 kada 3 piraso, mas malalaki at malalapad kasi ito, halagang 200 ang binili namin at binigyan kami ng isang pirasong dagdag, pero apat lang ang kinuhanan ko di na kasi kasya sa plato, hahaha.
I love kakanin too :D
ReplyDeletenakakagutom! wow kalamay! naalala ko sa san antonio,quezon! >>nori guce
ReplyDelete