Tuesday, February 8, 2011

Kalamay (Glutinous Rice Cakes)

Sa mga fiesta, bukod sa parada, mga gawain sa simbahan, handaan, mga palaro at iba pang kasiyahan, asahan mo na na mayroong tiangge sa kalye, madalas malapit or sa paligid ng simbahan nagsisisulputan ang mga maliliit na pwesto na nagtitinda ng iba't-ibang kalakal, mula sa pagkain, laruan, damit at kung anu-ano pa.

Kapag pyesta dito sa amin, malamang sa hindi makikita mo ako sa bisperas or gabi ng mismong piyesta na naglilibot at nangbabarat ng mga paninda, hehe. Madalas ang target ko sa pamimili mga gamit na byahe mula sa probinsya, or yung mga tipong di madalas makikita sa mall, mga murang laruan at gamit sa bahay na mga napaglipasan na ng panahon, mga lumang stock kumbaga kaya phased out na pero sa mga taong tulad ko na mahilig sa kung anik-anik, bongga ang mga yun, at higit sa lahat sa mga tindahan ng pagkain na specialty ng mga karatig na lugar.

Hindi masyadong magarbo ang pista dito sa amin ngayong taon, di kasing-dami ng mga nakakaraang taon ang bumiyahe para magnegosyo, karaniwan kong nakita ay mga food stalls ng lugaw, tokwa at mami, mga food kart na usong-uso ngayon na nagbebenta ng siomai, scramble, shawarma, fishballs at iba pang balls, etc. mangilan-ngilan lang ang nagtinda ng mga galing sa ibang probinsya, di ko nga nakita ang mga suki ko (taon-taon) na galing pa ng Baguio, Pampanga, Pangasinan at Antipolo. Bakit kaya? Di siguro nakakuha ng pwesto o kaya naman, nahirapan siguro mangapital, hay sayang, yun pa naman ang isa sa pinaka-aabangan ko tuwing pista/pyesta.

Ang larawan sa itaas ay Kalamay Lucena samantalang ang nasa ibaba ay Kalamay Batangas, huwag nyo na ko tanungin kung ano pagkakaiba kasi bukod sa laki, wala na ko alam na pagkakaiba nila. Tinanong ko din ang mga tindera, di rin nila masabi kung ano ang pagkakaiba, basta ang isa gawa sa Batangas at ang isa naman angkat sa Lucena.


Ang normal na kulay talaga ng kalamay ay brown dahil sa pulang asukal na ginagamit, sa larawan sa ibaba, makikita na may nakasingit na isang maputi, asukal na puti daw kasi ang ginamit sa paggawa, kung ako ang tatanungin, mas masarap pa rin ang orihinal.

Ang anim na piraso (trayanggulo) ng kalamay Batangas ay nagkakahalaga ng isang daang piso tapos may pasunod lang na isang piraso, kami ang hiningi namin dagdag iyong puting kalamay. Samantalang ang kalamay Lucena ay nagkakahalaga naman ng 100 kada 3 piraso, mas malalaki at malalapad kasi ito, halagang 200 ang binili namin at binigyan kami ng isang pirasong dagdag, pero apat lang ang kinuhanan ko di na kasi kasya sa plato, hahaha.

Tara kain tayo!

2 comments:

  1. nakakagutom! wow kalamay! naalala ko sa san antonio,quezon! >>nori guce

    ReplyDelete

You know I love you right, so do your part, show mama some lovin'...